Sunday, 5 May 2013

Tungkol sa Peyups.com at Pagusulat

Gusto ko sanang sisihin ang www.peyups.com kung bakit hindi na ako nagsusulat, yung totoong sulat ha, yung tungkol sa mga opinion ko sa buhay, mga natutunan ko base sa experiences ko at ng mga taong nakapaligid sa akin. Dati-rati, mga sampung taon nang nakaraan, kapag naghahanap ako ng inspiration or push para magsulat, pumupunta lang ako sa www.peyups.com para basahin ang mga columns ng mga paborito kong columnists. Hindi ko alam bakit biglang nawala ang website na ito, marahil naging busy na ang mga founders sa kani-kanilang careers. Marahil kagaya ko rin, na pagkatapos grumaduate, naging busy na sa pagbuo ng game plan sa profession. Sayang lang, kasi isa sya sa naging paborito kong websites. Maayos ang mga forums (walang maepal, walang nagspa-spam), but more than that, it was the featured articles and the regular columns that made me come back and check the site every single day.

Oo, aaminin ko, nagsusubmit din ako ng mga feature articles sa peyups.com :-) I think naka-tatlo (o apat?) na published submissions din naman ako.

Mga tatlong taon na ring patay ang aking writing blog. Pinatay ko na sya matapos ang isang pangyayari magtatatlong taon nang nakalipas. Sinabihan ako ng isang taong nakabasa ng isa kong sulat na "You should not write something just because you feel bad about it. It can hurt other people." Mga ganyang eklavu. Nabasa kasi ng gf nya at nagiiyak yata, nasaktan sa mga pinaratang ko. Eh ang tanong, di ba may bahid naman ng katotohanan yung mga yun? At dahil sa nilabas ko ang opinyon ko sa sarili kong blog tungkol sa sama ng loob ko sa nalaman ko tungkol sa aking ama at sa gf nya, aba ako pa ang napagsabihan! Nairita ako talaga noon, wala na bang freedom of speech? Buti sana kung binabasa ng napakarami ang writing blog ko nung mga panahong iyon diba? Eh iilang malalapit na kaibigan lang naman ang nakakaalam ng blog na yun. I think yan yung point na narealize ko na, fuck it, what's the point in writing? Heto na nga lang ang one true outlet ko, i-ce-censure pa? After a few months, pinatay ko na yung blog kong yun, hindi na sya searchable and wala nang new entries.

For years, nag concentrate ako sa pagsusulat ng mga bagay na safe --tungkol sa mga bagong produktong nasubukan ko, mga kainan, mga lugar na napasyalan ko. Masaya naman, nag-eenjoy din akong magshare about the lighter things in life.

Pero may mga gusto pa rin pala akong isulat maliban sa mga masasaya at safe na product reviews, travel at food posts. May mga kwento akong gustong sabihin --tungkol sa buhay ko, sa ibang tao, or minsan mga kwentong tinahi-tahi ko mula sa mga maliliit na piraso ng iba't-ibang kwentuhan at karanasan.

Nung nasa Mallorca kami, habang nakaupo at nagmamasid sa mga taong naglalakad sa tabi ng tubig sa Cathedral La Sue, natuon ang paguusap namin ng kaibigan ko sa mga paborito naming taga-sulat sa www.peyups.com.


Sa may Cathedral La Sue sa Mallorca.

Si Caravaggio(InA Rage) ang paborito kong writer sa peyups. Maliban sa mga sulat nya at kahit di ko sya nameet personally, medyo nakilala ko kasi ang background nya kasi ang aking kasama sa trabaho noon ay isa nyang malapit na kaibigan na naging tampulan ng ilang mga posts nya. Oo, semi-stalker lang ang peg ko kay Caravaggio. Haha! Pero nakita ko sa kanya ang pwede sanang maging ako, kagaya ko, inhinyera rin kasi sya. Pero unlike me, sinubukan nyang pagsabayin ang pagsusulat at pagiging inhinyera. Nakapagdouble major sya nung college sa UP. BS ECE at BA Creative Writing. Kaya sa mundo ko, isa sya sa mga taong dapat hangaan.

Andyan din si Ronibats, ang med student na ngayon pala ay isa nang duktor. Ilang linggo pa lang namin nadiscover na pinagpatuloy nya pala ang pagsusulat sa sarili nyang site: www.ronibats.ph Minsan masakit sa loob basahin ang mga posts nya, lalo na tungkol sa mga pasyente nyang kapos sa pera, mga nahihirapang iraos ang mga karamdaman, pero hahanga ka sa batang ito sa kanyang optimism at dedikasyon sa pagiging duktor sa Pilipinas.

Ang kaibigan kong si M naman ay avid follower ni noringai, isa ring columnist na medyo about lovelife ang topics noon. Hindi ko masyadong nababasa ang mga column nya noon haha, kasi mas nakakarelate ako noon sa mga punto de vista ni Ina (Caravaggio), pero ngayon, paminsan minsan ay napapadaan ako sa kanyang personal blog: noringai.blogspot.com

Nasabi sa akin ni M na, Siguro pwede ka rin sanang nagdoctor, J? Tignan mo si Ronibats? Huwaaat?! Eh makakita lang ako ng dugo eh namumutla na ako. Natahimik ako. Ang ibig nyang sabihin, sana kung pinili ko ang propesyon na mas makakatulong sa pagsusulat ko, baka nagsusulat pa rin ako ngayon ng mas may depth. Brrr. Parang hinagisan ako ng nagyeyelong tubig. Nahimasmasan ako ng konti haha! Alam ko kasi na kahit na nagbloblog naman ako halos linggo linggo, may mga gusto akong isulat na hindi macacategorize na lifestyle post. Mga maliliit na kuro-kuro na natutunan ko o naiisip habang naglalakbay sa buhay. At sa tingin ko, hindi rin dahil sa propesyon kong pinili ang dahilan bakit nanahimik ako. Ayoko na kasing magsulat ng puro angst, ayoko na rin magsulat ng para bang pasan ko ang daigdig.

So heto, susubukan ko ulit. Mas matanda na, mas marunong nang tumantya ng tama at mali. Mas malakas na ang loob magsulat tungkol sa mga delicate topics. Hindi na ako magbubukas ng bagong blog, dito ko na rin ilalagay sa aking GWM blog ang mga senti posts ko para hindi mahirap i-maintain.

At oo, susubukan kong magsulat ng mas madalas sa Filipino. Nakakaexcite na nakakatakot, ano kayang mga bagong kwento ang mapipiga ko mula sa buhay na ito? Abangan natin. Pero sa ngayon, masaya ako na buo na ulit ang loob ko na magsulat ng mga bagay bagay beyond BB Creams, Make-ups, Pasyals o Pagkain. Hindi ko sinasabi na di sila importante, at sinisigurado ko na di ako titigil magsulat tungkol sa mga ito, aba eh kailangan natin lahat ng kasiyahan sa buhay diba? Pero susubukan ko ulit magsulat ng mas malalim, kasi para sa akin, napagtanto ko, ang pagsusulat ay isa sa mga kailangan kong gawin para maging masaya.

6 comments:

  1. lahat nang tao may karapatan na sabihin kung ano iniisip nila :) go ! :D

    ReplyDelete
  2. Salamat Diane! I will try! :-)

    ReplyDelete
  3. Wahhh hinahanap ko si caravaggio of peyups.com. Nagbabasa lang ulit ako ng Eat Pray Love tapos namention si Caravaggio. Naalala ko yung writer na yun sa peyups.com na masyado sapul ang mga sinusulat. Kaya kung isearch mo sa Google "caravaggio peyups" maraming lumalabas na repost ng mga sinulat nya noon. Help me find her and convince her to write again or may blog ba sya? Private yung inarage.wordpress.com eh.

    ReplyDelete
  4. Please help
    Me
    Find caravaggio... Ikaw na lang lead ko sakanya dahil semi-stalker ka sakanya at sort of kilala m sya as a person. :)

    ReplyDelete

I'd love to hear from you!